Rihanna, tumangging mag-perform sa 2019 Super Bowl Halftime Show

AP Photo

Tumanggi ang Grammy Award winning singer na si Rihanna na mag-perform sa 2019 SuperBowl Halftime Show ayon sa mga ulat.

Ito anila ay may kaugnayan sa pagbibigay ng simpatiya ng singer sa mga nagpoprotestang NFL players.

Ayon sa souce ng US Weekly, gusto ng NFL at CBS na maging headliner ng Halftime show si Rihanna ngunit tumanggi ito dahil sa ‘kneeling controversy’ kung saan ipinagbawal ang pagluhod sa field sa kagsagsagan ng pagkanta ng national anthem ng US.

Aniya hindi pabor ang singer sa naging stand ng NFL.

Nakatakadang mag-perform ang bandang Maroon 5 na pinangungunahan ni Adam Levine sa halftimw show sa darating na February 3 sa Atlanta, Georgia, USA.

Read more...