Pananambang sa convoy ng direktor ng FDA inako ng NDF

By Len Montaño October 19, 2018 - 08:47 PM

CREDIT: PNP PRO5

Inako ng National Democratic Front (NDF) sa Bicol ang pag-atake sa convoy ni Food and Drug Administration (FDA) Director Nela Charade Puno sa Lupi, Camarines Sur na ikinamatay ng 3 pulis at pagkasugat ng 4 na iba pa.

Sa isang statement, sinabi ng NDF-Bicol na ang pag-atake ay para iparating ang kanilang pagkadismaya sa delay ng pagpapatuloy ng peace talks sa gobyerno.

Nakasaad sa pahayag na ang matagumpay na ambush ay paraan nila ng pagpuna sa pagbalewala ng administrasyong Duterte sa usapang pangkapayapaan at pagpuna sa extrajudicial killings na pumatay na sa libo libong katao.

Pero nilinaw ng grupo na ang target nila ay ang mga police escorts at hindi si FDA chief Puno.

Ang pinasabog na bomba ay para umano sa mga pulis na nasa patrol car at hindi sa sasakyang kung saan naroon ang opisyal ng FDA.

Sinabi pa ng NDF-Bicol na mula mismo sa Philippine National Police (PNP) ang nakuhang tactical information ng Romulo Jallores Command-NPA Bicol.

Tama anila si PNP chief Director General Oscar Albayalde sa sinabi nitong may lapses sa intelligence sa pag-escort ng VIP (Very Important Person).

TAGS: ambush, camarines sur, FDA, PNP, ambush, camarines sur, FDA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.