Posibleng security lapses sa ambush sa CamSur iniimbestigahan ng PNP

By Jan Escosio October 19, 2018 - 08:44 PM

Pinulong ni PNP Chief Oscar Albayalde ang mga opisyal ng pulisya sa Camarines Sur kaugnay sa pananambang sa convoy ni Food and Drug Administration Director General Nela Puno sa bayan ng Lupi noong Huwebes.

Sinabi ni Albayalde na inalam niya sa mga hepe ng pulisya ng mga pinagdaanan ng convoy ang mga pangyayari.

Aniya nais niyang matukoy ang posibleng security lapses na insidente na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong pulis at pagkakasugat ng tatlong iba pa.

Kasama rin sa closed door meeting sina Bicol Region police director Chief Supt. Arnel Escobal at Camarines Sur Police OIC SSupt. Reynaldo Pawid.

Matapos ang apat na oras na pulong ay nagtungo si Albayalde sa Multi Purpose Hall ng Provincial Police Headquarters para makiramay sa mga naulila ng tatlong pulis.

Ginawaran niya ng Medalya ng Kadalilaan ang tatlong nasawing pulis na sina The three officers, namely SPO1 Percival Rafael, PO3 Carlito Navarroza at PO1 Ralph Jason Vida.

Inaalam pa rin kung sino talaga ang target sa pananambang.

TAGS: Cam Sur Ambush, PNP, Radyo Inquirer, Cam Sur Ambush, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.