MMDA handa na sa Undas

By Jan Escosio October 19, 2018 - 08:33 PM

Kuha ni Ricky Brozas

Sinimulan na ng MMDA ang paghahanda para sa paggunita ngayon taon ng Undas.

Sinabi ni MMDA Gen. Manager Jojo Garcia, sinimulan na ng kanilang Task Force Special Operations, ang paglilinis sa mga kalsada patungo sa mga sementeryo at memorial parks.

Samantala, pinapaganda na rin ng Metro Parkway Clearing Group ang paligid ng mga libingan.

Nilinaw naman ni Garcia na bahala na ang mga lokal na pamahalaan sa paglilinis ng mga sementeryo sa kanilang nasasakupan.

Sa Oktubre 27 ay ikakasa na ng MMDA ang Oplan Undas 2018 at 2,000 traffic personnel ng ahensiya ang ipapakalat na sa mga kritikal na lugar mula umaga hanggang gabi para ayusin ang daloy ng trapiko.

Dagdag pa nito, suspindido na rin ang number coding scheme sa Nobyembre 1 at 2, na idineklarang non-working holidays.

Ang mga pangunahing sementeryo na pangangasiwaan ng MMDA ay ang Manila North sa Maynila, Manila South sa Makati City, Loyola Memorial Park sa Marikina City, Bagbag Public Cemetery sa Quezon City, at Manila Memorial Park sa Paranaque City.

TAGS: mmda, Undas 2018, mmda, Undas 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.