FB page na may larawan ng Tulfo Brothers pinuna ni Jim Paredes sa paggamit ng pekeng larawan sa Boracay
Pinuna ng singer na si Jim Paredes ang isang Facebook page na nakapangalan sa Tulfo brothers dahil sa paggamit ng pekeng larawan ng Boracay Island.
Sa FB page na may pangalang Tulfo Brothers, kung saan ang nasa profile picture ay ang magkakapatid na sina Mon, Erwin at Ben Tulfo, nakapost ang litrato na umanoy kuha sa Boracay noong September 25.
Nakalagay sa larawan ang mensahe na “Ganito na kaganda ang Boracay. Salamat kay Tatay Digong.”
Dahil dito, sa kanyang Twitter ay sinabi ni Paredes na peke ang larawan dahil kinunan ito sa Indonesia at hindi sa Boracay.
Ayon sa singer, batay sa isang travel website, ang larawan sa Tulfo Brothers FB page ay sa isang beach sa Indonesia.
Iminunugkahi naman ng ilang netizens na ireport sa Facebook ang naturang pekeng post.
Wala pa namang pahayag mula sa magkakapatid na Tulfo tungkol sa isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.