Abugado na naglantad ng pork barrel scam ni Napoles tatakbong mayor sa Baybay City

FB Photo: Discover Baybay City

Kakandidatong mayor sa Baybay City sa Leyte si Atty. Levi Baligod, ang abogadong nag-expose ng pork barrel scam na kinasangkutan ni Janet Lim Napoles.

Naghain si Baligod ng kaniyang certificate of candidacy noong Oct. 17 na huling araw ng COC filing.

Makakalaban ni Baligod si Cong. Jose Carlos Cari na kasalikuyang kinatawan ng 5th district ng Leyte.

Si Baligod ay nagsilbing abugado ni Benhur Luy ang whistleblower sa pork barrel scam at personal assitant ni Napoles.

Tatlong mga dating senador naman na nahaharap ngayon sa kaso dahil sa pork barrel scam ang tatakbo muling senador sa 2019 elections.

Sila ay sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Read more...