Pagkadismaya ng mga mambabatas dahilan kaya napaalis si Rep. Alvarez bilang house speaker

By Len Montaño October 19, 2018 - 07:03 PM

Taliwas sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ng Malakanyang na mga dismayadong mambabatas ang nagdesisyong patalsikin si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez bilang Speaker ng Kamara.

Sa talumpati ng Pangulo sa Manila Hotel ay sinabi nito na dapat mag-ingat ang mga tao sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte dahil pinatanggal umano nito ang Speaker.

Una nang itinanggi ng Alkalde na siya ang nasa likod ng pag-impeach ng mga kongresista kay Alvarez.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, mga “discontended” na mambabatas ang nagpatanggal kay Alvarez.

Sinuman anya ang nagpahiwatig kung sino ang nagpatalsik sa dating Speaker, ang mga kapwa kongresista pa rin nito ang nagdedesisyon.

Binanggit ni Panelo na mismong ang mga bumoto laban kay Alvarez ang nagsabi na hindi na sila kuntento sa paraan ng pamumuno nito sa Kamara.

Matatandaan na noong Pebrero ay binatikos ni Mayor Sara si Alvarez dahil sa umanoy pahayag nito na pwede niyang patalsikin sa pwesto ang kanyang ama na si Pangulong Duterte, bagay na itinanggi naman ng Davao solon.

TAGS: House Speakership, Pantaleon ALvarez, House Speakership, Pantaleon ALvarez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.