Dalawang anak ni Napoles hiniling sa korte na payagan silang magpunta sa US para maharap ang kaso doon
Hiniling sa korte ng dalawang anak ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles na sila ay payagang makabiyahe sa US.
Sa kanilang petisyon sa Sandiganbayan, sinabi nina Jo Christine at James Christopher Napoles na kapwa naman sila hindi “flight risks” at wala silang balak talikuran ang kaso dito sa Pilipinas.
Kailangan lang umano nilang umalis patungong US para harapin ang kaso nilang sibil at kriminal doon.
Aalis sila patungong US sa November 15 at mananatili na sila doon hanggang sa maresolba na ang kanilang kaso.
Tiniyak naman ng abugado ng dalawa na babalik sila sa Pilipinas para idepensa ang sarili sa kanilang mga kaso.
Ang magkapatid ay nahaharap sa kasong graft at malversation kaugnay sa P900 million na Malampaya fund scam.
Ang kaso naman ng dalawa sa US ay kaugnay sa kaso ng kanilang pamilya na conspiracy to commite money laundering, domestic money laundering at international money laundering.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.