Presyo ng Noche Buena products na hindi branded, hindi tataas ayon sa DTI

By Jan Escosio October 19, 2018 - 01:06 PM

Tiniyak ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na mananatiling-abot-kaya hanggang sa panahon ng Pasko ang presyo ng mga produktong karaniwang inihahain sa Noche Buena.

Sinabi ni Lopez na ang mga ‘Noche Buena’ items na nagtaas ng halaga at maaring magmahal pa ang presyo ay mga ‘high-end brands’ o may pangalan o kilala ang tatak.

Dagdag pa nito, hindi nito maapektuhan ang inflation rate dahil hindi naman sensitibo sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang mga mayayaman.

Aniya ang mga low-end brands at ang mga karaniwang inihahain sa hapag-kainan sa pagsalubong sa araw ng Pasko ay hindi nila inaasahan na magtataas pa ng presyo.

Binanggit pa ng kalihim na may utos si Pangulong Duterte na pababain ang presyo ng mga bilihin na nakaka-apekto sa inflation rate, lalo na ang bigas at kasama na rin ang asukal.

TAGS: dti, Noche Buena Products, price, Radyo Inquirer, dti, Noche Buena Products, price, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.