Militar wala pang rekomendasyon para palawigin martial law sa Mindanao
Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala silang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang batas militar sa Mindanao.
Ayon kay AFP Public Affairs office chief Col. Noel Detoyato, patuloy ang kanilang ginagawang pag-aaral sa umiiral na martial law.
Simula aniya noong day one ng pagpapatupad ng martial law ay regular na ina-assess ng kanilang mga field units ang security situation sa lugar.
Paliwanag nito, wala silang timeline para magsumite ng rekomendasyon sa pangulo para sa martial law extention sa Mindanao.
Epektibo ang martial sa Mindanao hanggang sa katapusan ng Disyembre ng kasalukuyang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.