Top diplomat ng China binati si bagong DFA Sec. Locsin

AP photo

Nagpaabot ng pagbati si Chinese Foreign Minister Wang Yi sa bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas na si Teodoro Locson Jr.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Wang na handa na siyang makatrabaho at maging kaibigan si Locsin.

Sinabi ni Wang na ito ay upang maipagpatuloy nila ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa lalo na sa mga regional at international na mga usapin.

Sinabi ni Wang na nitong mga nagdaang taon ay bumubuti ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Magugunitang si Locsin ang itinalagang DFA secretary kapalit ni dating Sec. Alan Peter Cayetano.

Read more...