5 patay sa karambola ng mga sasakyan sa Albay

By Dona Dominguez-Cargullo October 19, 2018 - 03:32 PM SHARE(S):

(UPDATE) Lima na ang patay sa karambola ng mga sasakyan na naganap sa Daraga, Albay, Biyernes (Oct. 19) ng umaga.

Sangkot sa aksidente ang pampasaherong jeep, dalawang truck, dalawang pribadong sasakyan at isang motorsiklo.

Sa mga larawang ibinahagi sa Facebook page ng Albay Public Information Office, isang lalaki ang makikitang pumailalim pa sa isang jeep.

Sa lakas din ng pagkakabangga, tumagilid ang isa sa dalawang truck na sangkot sa aksidente.

Pinaiimbestigahan na ni Albay Governor Al Francis Bichara sa mga otoridad kung ano ang naging sanhi ng aksidente na naganap sa bahagi ng Barangay Busay.

TAGS: accident, Albay, multiple collision, accident, Albay, multiple collision

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.