Palengke sa Masbate nasunog

By Dona Dominguez-Cargullo October 19, 2018 - 11:34 AM

CREDIT: RIO ESPENILLA VERANO

Tinupok ng apoy ang bahagi ng isang palengke sa Masbate City Public Market, Biyernes (Oct. 19) ng madaling araw.

Ayon kay Senior Fire Officer 2 Victorio Laurio, nagsimula ang apoy sa isang bahagi ng palengke kung saan nakapwesto ang mga nagtitinda ng isda, karne at mga ukay-ukay.

Agad na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga tindahan.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang kabuuang halaga ng mga nasunog na ari-arian.

TAGS: fire incident, Market, Masbate, fire incident, Market, Masbate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.