Road right of way sa itatayong expressway mula Caloocan hanggang Valenzuela, nakumpleto na

By Ricky Brozas October 19, 2018 - 11:23 AM

DPWH Photo

Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road right of way para sa pagtatayo ng expressway mula sa Caloocan City hanggang sa Valenzuela City.

Dahil dito ay inaasahang wala nang magiging sagabal at matapos na ang NLEX Harbor Link Segment 10.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar na 100 percent na malinis ang mga daraanan ng nasabing expressway mula sa sa Karuhatan, Valenzuela City hanggang sa C3 Road, Caloocan City.

Sinabi ni Villar, matatapos ang naturang expressway sa holiday season o sa buwan ng Disyembre kaya makakatulong ito para kahit papaano ay maibsan ang traffic.

Ang NLEX Harbor Link Segment 10 ay may habang 5.65-km at bumabaybay sa NLEX mula sa MacArthur Highway Karuhatan, Valenzuela City, patungong Malabon City at C3 Road, Caloocan City, at 2.6-km section sa pagitan ng C3 Road, Caloocan City at R10, Navotas City.

TAGS: caloocan, Malabon, navotas, NLEX, NLEX Harbor Link Segment 10, valenzuela, caloocan, Malabon, navotas, NLEX, NLEX Harbor Link Segment 10, valenzuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.