2 patay sa insidente ng shootout sa Laguna at Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo October 19, 2018 - 10:25 AM

Police banner

Dalawa ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng shootout na naganap sa Laguna at Batangas.

Sa Sta. Rosa City, Laguna, patay ang hinihinalang drug pusher na si alyas “Allan” sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad.

Ginawa ang operasyon sa Barangay Dita, alas 3:00 ng madaling araw ng Biyernes (Oct. 19) pero sa halip na sumuko ay nanlaban ang suspek dahilan para masawi ito.

Samantala, sa Malvar, Batangas naman isang hindi pa nakikilalang lalaki ang nasawi din nang hindi huminto sa check point ng mga otoridad.

Pinara ang motorsiklong sinasakyan ng suspek sa bahagi ng Barangay Poblacion pero sa halip na tumigil ay pinaputukan nito ng baril ang mga pulis.

Nakaganti naman agad ng putok ang mga otoridad na ikinasawi ng suspek.

Nakuha mula sa kaniya ang isang kalibre 45 na baril at motorisklong gamit niya na hinihinalang nakaw.

 

TAGS: Batangas, buy bust, laguna, Malvar, shootout, Sta. Rosa, Batangas, buy bust, laguna, Malvar, shootout, Sta. Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.