4 sugatan sa banggaan ng dalawang barko sa Talisay City

PCG and CDN photo

(UPDATE) Sugatan ang apat na katao matapos magbangaan ang dalawang barko sa karagatang sakop ng Talisay City sa Cebu, Huwebes ng gabi.

Sa ulat ng Cebu Daily News, tatlo sa mga nasugatan ay kinailangang isugod sa ospital dahil sa tinamong pinsala.

Sangkot sa banggaan ang M/V Fastcat M11 at ang M/V Ocean United ng Oceanic Shipping Lines.

Ayon kay PCG-Cebu spokesperson Lt. Jg. Mike Encina nawasak ang gitnang bahagi ng fastcraft bagaman nakuha nitong makabalik sa Pier 3 sa Cebu City.

Ang fastcraft na may lulang 70 pasahero ay patungo ng Tubigon, Bohol ang mangyari ang banggaan.

Tiniyak naman ng coast guard na walang oil spill sa lugar ng sakuna.

Ang dalawang barko ay nakadaong ngayon habang iniimbestigahan ang insidente.

Noon Enero lamang ng kasalukuyang taon, dalawang barko din ang nagbangaan sa Lawis Ledge sa Talisay City.

Read more...