DFA aminado na seryosong isyu ang tanim bala sa NAIA
Tiwala ang Department of Foreign Affairs na matatapos rin at masosolusyunan ang diumanoy mga insidente ng tanim at laglag bala scam sa NAIA sa lalong madaming panahon.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Foreign Affairs spokesperson Charles Jose na ito ay dahil iniimbestigahan na ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan ang insidente.
Pero inamin ng opisyal na seryoso ang nasabing usapin at hindi dapat balewalain.
Hindi rin naman niya nakikitang makakasagabal ang tanim bala modus sa nalalapit na APEC leaders meeting at sa pag uwi ng mga OFW lalo ngayong holiday season.
Umaasa naman si Jose bago mag-Pasko ay tuluyan nang masasawata ang kontrobersyal na modus.
No comment naman ang DFA sa mga puna ng mga netizens at International media sa nasabing isyu dahil inaayos na umano ng pamahalaan ang lahat para mabigyang-linaw ang ilang mga katanungan tungkol sa tanim bala sa NAIA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.