NPA posibleng nasa likod ng pananambang sa mga pulis sa Camarines Sur

By Dona Dominguez-Cargullo October 19, 2018 - 09:35 AM

CREDIT: PNP PRO5

Posibleng New People’s Army ang nasa likod ng pananambang sa police escorts ng direktor ng Food and Drug Administration sa Camarines Sur.

Ayon kay Col. Paul Regencia, tagapagsalita ng 9th infantry division ng Philippine Army, posibleng paghihiganti ang pakay ng ginawang ambush na ikinasawi ng tatlong pulis.

Noong October 14 kasi nakasagupa ng mga sundalo ang mga pinaniniwalaang miyembro ng NPA sa Labo, Camarines Norte.

Sa nasabing sagupaan, dalawang sundalo ang nasawi at may mga nasugatan din.

Sinabi ni Regencia na dahil sa nasabing bakbakan ay napigilan ang mga planong pag-atake ng NPA.

Maari aniyang natyempuhan ng mga rebelde ang pagdaan ng convoy ng mga pulis na patungo ng Daet, Camarines Norte at tinambangan ito.

TAGS: AFP, ambush, Camarines Norte, NPA, AFP, ambush, Camarines Norte, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.