Bomba natagpuan sa loob ng isang paaralan sa Zamboanga City
Isang 81 millimeter mortar round ang natagpuan sa isang paaralan sa Zamboanga City.
Ang bomba ay nakita sa loob ng isang hindi na ginagamit na silid sa Canelar Elementary School.
Ayon kay Barangay Kagawad Allan Bernales, tumawag sa kanila ang principal ng paaralan para ireport ang nakitang bomba.
Agad namang nagpatawag ng bomb squad ang barangay at nakumpirmang mortar nga ang nakita sa silid.
Bago ang pagkakatuklas sa bomba, nakatanggap ng bomb threat ang isa pang paaralan sa lungsod na Curuan National High School.
Ayon kay P/Sr. Insp. Sonny Joe Amponin ng Curuan Police, may nagtext sa isang guro at sinabing mayroong dalawang bomba na itinanim sa paaralan.
Nang galugarin ang eskwelahan ay nagnegatibo naman ito sa bomba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.