Operational na lighthouses sa bansa umabot na sa 542 mula sa dating 113 – DOTr

Mula sa dating 113 lighthouses na gumagana sa iba’t ibang panig ng bansa, umabot na sa mahigit 500 ang mga parola na napagana ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), sa 594 na mga lighthouse sa buong bansa, 542 dito ang gumagana o katumbas ng 91.20 percent.

Sinabi ng DOTr na malaking tulong ang mga lighthouse para matiyak ang seguridad at kaligtasan sa mga paglalayag.

Ilang lighthouse naman ang mayroon nang active na global positioning system (GPS) na maaring magamit para mapadali ang pagtukoy ng lokasyon ng sasakyang pandagat.

Read more...