2 taong gulang na kambal patay nang mahulog sa balon sa Negros Occidental

By Dona Dominguez-Cargullo October 19, 2018 - 08:06 AM

Nasawi ang dalawang taong gulang na kambal sa Negross Occidental matapos silang mahulog sa balon.

Kinilala ang magkapatid na sina Kara at Sarah Mendoza ng Barangay 10 sa Victorias City.

Ayon sa mga otoridad, ang lola umano ang nagbabantay sa kambal dahil nagtatrabaho ang kanilang magulang.

Natagpuan na lang ang kambal na nasa balon na may lalim na walong talampakan.

Naisugod pa sila sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

TAGS: Negros Occidental, victorias city, Negros Occidental, victorias city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.