Salaysay ng pathologist hindi tinanggap ng piskal na may hawak sa Dengvaxia cases

By Ricky Brozas October 19, 2018 - 01:20 AM

Hindi tinanggap ng panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) ang salaysay ng isang pathologist na isinumite ni Dating Health Secretary Janet Garin bilang ebidensya sa reklamong kriminal na inihain laban sa kanya ng mga kaanak ng mga batang naturukan ng Dengvaxia at namatay.

Ibinasura ng lupon ng mga piskal ang motion to admit as evidence na inihain ni Garin para pormal na tanggapin ang salaysay ng isang Dr. Raymundo Lo.

Ayon sa panel, masyado nang huli ang pagsusumite ng affidavit at ito ay mas akma na maihain sa pagdinig sa hukuman at hindi sa preliminary investigation.

Nakapagsumite na rin daw kasi ng rejoinder si Garin.

Si Garin ay kasama sa mga respondent sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide, torture, obstruction of justice at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Una nang naghayag ng pagtutol ang Public Attorneys Office (PAO) na tanggapin ng panel of prosecutors ang affidavit ni Dr. Lo dahil ito ay mas dapat na dinggin sa isang “full blown trial.”

Giit ng PAO na tumatayong abugado ng mga kaanak ng mga namatay na Dengvaxia vaccinee, layunin lamang ng preliminary investigation na tukuyin kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng mga batang nabakunahan ng anti-dengue, at hindi iugnay ang kanilang pagkamatay sa Dengaxia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.