Muntinlupa City itinanghal bilang isa sa 2018 Most Business Friendly Cities
Kinilala ngayong taon ang mga natatanging local government units na ehemplo sa larangan ng pag-akit sa mga investors ngayong taon.
Ngayong 2018, kinilala ang Muntinlupa City bilang Most Business Friendly Awardee sa Highly Ubanized Local Government category sa katatapos na 44th Philippine Business Conference Expo.
Proud si Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi sa nasabing parangal na ikalawa na ng lungsod sa nakalipas na dalawang taon.
Ayon kay Mayor Fresnedi, isa sa dahilan sa kanilang success story ay ang direktiba niya sa kanyang mga opisyal pagsasapuso ng pagtulong sa mga negosyante.
Nitong 2018 umabot sa P2.2 bilyong ang nakolekta nilang revenue sa business permit mula sa 820 noong 2014.
Ito naman aniya ay naibabalik nila sa mga mamamayan ng Muntinlupa sa pamamagitan ng pagbibigay ng zero interest na puhunan at pagpapatayo ng mga bagong school buildings, health centers na hinahangaan ng mga kapwa nila local government units (LGUs).
Umaasa si Mayor Fresnedi na magpapatuloy ang tagumpay ng lungsod at mas marami pang negosyo ang pumasok.
Ang awarding ceremony para sa Most Musiness Friendly Highly Urbanized LGU ay idinaos sa Manila Hotel kung saan nagsama-sama sa isang exhibit ang ilan sa mga malalaki at mga baguhang negosyo.
Panauhing pandangal sa event si Pangulong Rodrigo Duterte na dinaluhan din ng mga dating pangulong sina Manila Mayor Joseph Estrada, Fidel Ramos, at Special Assistance to the President (SAP) Bong Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.