3 barker ng jeep huli sa buy bust sa Quezon Avenue

By Justinne Punsalang October 19, 2018 - 03:54 AM

Contributed photo

Kabilang ang isang babae sa inaresto ng mga otoridad matapos magkasa ng buy bust operation sa kahabaan ng Timog Avenue sa Quezon City.

Nakilala ang mga drug suspek na sina Alex Lugita, 31 taong gulang; Jayson Lumbao, 29 na taong gulang; at Camille Gonzales, 28 taong gulang. Ang tatlong mga naaresto ay pawang mga barker ng jeep at iba pang pampasaherong sasakyan na bumabagtas sa kalapit na lugar.

Nasamsam mula sa kanila ang walong sachet ng shabu.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang kanilang source ng ipinagbabawal na gamot at kung ang mga driver ng jeep ba ang kanilang mga parokyano.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.