2 estudyante arestado dahil sa pagbebenta ng marijuana sa Marikina City

By Justinne Punsalang October 19, 2018 - 04:22 AM

Marikina City Police

Kapwa arestado ang dalawang mag-aaral matapos magkasa ng drug buy bust operation ang mga otoridad sa Barangay San Roque, Marikina City.

Nakilala ang isa sa mga suspek na si Cesario Caparas alyas Cesar, 18 taong gulang. Habang hindi naman pinangalanan pa ang kasama nitong 17 taong gulang.

Ayon sa Marikina City Police, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa pagkakasangkot ng dalawang binata sa kalakaran ng iligal na droga. Kaya naman agad silang nagsagawa ng buy bust operation laban sa mga ito kung saan narekober nila ang 23 plastic zip lock na naglalaman ng pinatuyong mg dahon ng marijuana.

Mahaharap si Caparas sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang menor de edad naman ay itinurn-over na sa kustodiya ng lokal na Social Welfare Department.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.