P680K halaga ng shabu nasamsam ng PDEA sa Quezon City

By Justinne Punsalang October 19, 2018 - 03:02 AM

INQUIRER File Photo

Mahigit sa kalahating milyong pisong halaga ng iligal na droga ang narekober ng mga otoridad matapos ang isinagawang drug buy bust operation sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Nakilala ang dalawang naarestong suspek na sina Ronald Pineda alyas Kuto, at kasabwat na si Dante Destura.

Nasamsam ng pinagsanib pwersang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) mula sa mga suspek ang P680,000 na halaga ng hinihinalang shabu.

Napag-alaman na ginagamit na front ni Pineda ang kanyang negosyong water refilling station upang pagtakpan ang kanyang pagtutulak ng shabu.

Taong 2008 naman nang unang makulong si Pineda dahil sa pagkakasangkot sa kasong may kinalaman pa rin sa ipinagbabawal na droga.

Muling sasampahan ang naturang suspek, maging ang kanyang kasabwat, ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.