San Beda nasa top spot ng NCAA men’s basketball

Nagwagi ang defending champion na San Beda Red Lions kontra sa Lyceum of the Philippines University Pirates sa kanilang naging tapatan kagabi para sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament.

Natapos ang laro sa iskor na 75-68 pabor sa Red Lions.

Dahil dito ay nangunguna ang koponan sa torneo at mayroong 16-1 win-loss record.

Ibig sabihin nito, bagaman mayroon pang isang laban na kakaharapin ang San Beda ay tiyak nang pasok sila at number 1 sa Final Four.

Pangalawa naman sa torneo ang Pirates na mayroong 15-3 win-loss record.

Ayon sa head coach ng Red Lions na si Boyet Fernandez, masaya sila dahil sa kanilang pagkapanalo. Lalo na’t marami ang nagsasabi na hindi umano nila matatalo ang Lyceum.

Sina James Canlas at Robert Bolick ang nanguna sa koponan matapos kapwa makapagtala ng 18 puntos.

Para naman sa Pirates, si Mike Nzeusseu ang nanguna sa pamamagitan ng kanyang 16 points.

Read more...