Pope Francis handang bumisita sa NoKor

By Justinne Punsalang October 19, 2018 - 12:10 AM

AP

Nagpahayag si Pope Francis ng kagustuhan na bisitahin ang North Korea.

Inanunsyo ito ng opisina ng Santo Papa matapos ang pagdating sa Vatican ni South Korean President Moon Jae-in.

Sa isang pahayag, sinabi ni Moon na personal niyang ipinaabot kay Pope Francis ang imbitasyon ni North Korean leader Kim Jong Un para bisitahin ng Santo Papa ang kanilang bansa.

Aniya, bukod sa kanyang ipinaabot na mensahe ay magkakaroon din ng formal invitation mula sa NoKor.

Ayon naman sa opisina ng Santo Papa, sinabi nito na hihintayin nila ang formal invitation at mayroong posibilidad na pumunta ito sa nabanggit na bansa.

Sakaling matuloy ang pagbisita ni Pope Francis sa North Korea ay siya ang kaua-unahang Santo Papa na makakarating dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.