Pag-ambush sa pinuno ng FDA planado ayon sa PNP

By Isa Avendaño-Umali October 18, 2018 - 07:24 PM

PNP photo

Naniniwala si Philippine National Police o PNP Chief Director General Oscar Albayalde na planado ang pananambang ng mga rebelde sa grupo ni Food and Drugs Administration o FDA Director General Nela Puno na ikinasawi ng tatlong police escorts.

Bukod sa tatlong nasawi, may sugatan ding pulis sa ambush na naganap sa Barangay Napolidan, sa bayan ng  Lupi, Camarines Sur.

Ani Albayalde, posibleng intensyunal o sinadya ang ambush dahil may pumutok pang IED.

Dagdag nito, maaaring may nag-leak sa pagbisita si Puno o movement sa lugar, lalong-lalo na’t may VIP.

Aminado naman si Albayalde na hindi pa niya matukoy kung si Puno ang pakay ng mga umatakeng rebelde.

Gayunman, sinabi ng PNP Chief na pwedeng ang mga pulis ang target ng mga rebelde para makakuha ng mga armas.

Buti na lamang din ay nakapag-retaliate o nakaganti ng putok ang mga sugatang pulis.

Magsasagawa aniya ang PNP ng malalimang imbestigasyon.

TAGS: albayalde, ambush, camarines sur, PNP, albayalde, ambush, camarines sur, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.