Payo ni Duterte kay Locsin “be yourself”

By Chona Yu October 18, 2018 - 05:27 PM SHARE(S):
Malacanang photo

“Maging totoo”.

Ito ang naging mahigpit na bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte kay bagong Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. habang nanunumpa kagabi sa Malacañang.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na wala namang ibinigay na marching order ang pangulo kay Locsin dahil wala namang pagbabago sa mga foreign policy ng administrasyon.

Idinagdag pa ni Panelo na batid na rin ni Locsin ang kanyang mga trabaho.

Ayon pa sa kalihim, nais ng pangulo na gumaya sa kanya ang kanyang gabinete na maging prangka at maging totoo lalo na kung nakakaharap ang mga foreign leaders.

Dapat aniyang straight to the point ang pagharap sa mga isyu.

Si Locsin na dati ring mamamahayag ay kilalang matapang sa kanyang pagsagot sa ilang mga isyu lalo na sa social media.

TAGS: DFA, duterte, locsin, secretary, DFA, duterte, locsin, secretary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.