Jasmin, Angelica, Sinandomeng at iba pa aalisin na sa bentahan ng bigas

By Isa Avedaño-Umali October 18, 2018 - 04:30 PM

Inquirer file photo

May napagkasunduan na ang gobyerno at rice stakeholders na suggested retail price o SRP para sa ilang uri ng bigas.

Sinabi ni Agriculture Sec. Manny Piñol na para sa mga locally-milled rice, ang SRP ng kada kilo ng regular milled ay P39.00 habang P44.00 kada kilo para sa well-milled.

Ang SRP ng premium rice ay pag-uusapan pa ng NFA council, habang ang special rice ay wala pang SRP.

Para naman sa imported na bigas, P40.00 kada kilo ang 5% broken samantalang P37.00 kada kilo ang 25% broken.

Ang mga imported na bigas, ani Piñol ay tatawaging imported-Vietnam, imported-Thailand, at iba.

Kapag naman galing lamang sa Pilipinas ang bigas, tatawagin ang mga ito na Philippine local rice at hindi na gagamitin ang “Sinandomeng,” “Denorado,” “Angelica”, “Jasmin” at iba pang pangalan.

Ayon kay Piñol, target na maipatupad ang SRP sa mga produktong bigas sa October 23, 2018.

Ang SRP sa bigas ay bahagi ng pagregulate sa presyo ng bigas, at parte ng pagtugon ng gobyerno sa tumataas na inflation.

TAGS: angelica, pinol, sinandomeng, SRP, well-milled rice, angelica, pinol, sinandomeng, SRP, well-milled rice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.