Duterte tiwala pa rin sa pinuno ng Customs ayon sa Malacañang

Inquirer file photo

Buo pa rin ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Ito ay kahit na tahasn na sinisisi at pinapapanagot  ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino si Lapeña dahil sa P6.8 Billion na shabu shipment na nadiskubre sa Cavite kamakailan.

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hangga’t hindi sinisibak ng pangulo si Lapeña ay nangangahulugan ito na buo pa rin ang tiwala ng punong ehekutibo sa opisyal.

Ayon kay Panelo, sa ngayon, may ginagawa nang imbestigasyon ang National Bureau of Investigation at Department of Justice ukol sa pagkakapuslit sa bansa ng ilegal na droga.

Oras aniya na matapos ang imbesatigasyon ng NBI at DOJ ay tiyak na gagawa ng positibong hakbang ang pangulo para mapapanagot sa batas ang mga opisyal na responsible sa pagpasok ng iligal na droga.

Read more...