Oil exploration sa Palawan pamalit sa Malampaya gas field
Kapwa lumagda sina Pangulong Rodrigo Duterte at Energy Sec. Alfonso Cusi sa isang petroleum service contract sa Ratio Petroleum Limited ng Israel para sa isang oil exploration project sa Silangang bahagi ng lalawigan ng Palawan.
Sa advisory ng DOE, ang nasabing lagdaan ay naganap sa Malacañang kahapon kaugnay sa petroleum service contract for area 4 na sasakop sa tinaguriang East Palawan Basin.
Sakop ng gagawing oil exploration ang 416,000 hectares sa karagatang sakop ng lalawigan na sinasabing mayaman sa langis at iba pang uri ng natural gas.
Popondohan ang nasabing proyekto ng $34,350,000 para sa unang mga taon ng kontrata.
Sinabi ni Cusi na ito ang kauna-unahang petroleum service contract na pinasok ng Duterte administration.
Ang Ratio Petroleum President at CEO na si Itay Raphael Tabibzada ang kumatawan para sa nasabing Israeli firm sa naganap na pirmahan ng kontrata sa Malacañang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.