Oil exploration deal sa pagitan ng Pilipinas at Israel selyado na

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang oil exploration deal kasama ang Israeli firm na Ratio Petroleum Company.

Ginawa ang signing ng kasunduan sa Malakanyang kung saan kasama sina Mr. Itay Raphael Tabibzada, presidente at chief executive officer ng Ratio Petroluem Company at si Energy Secretary Alfonso Cusi.

Sa ilalim ng kasunduan, magkasamang magsasagawa ng oil at gas exploration ang Pilipinas at Israel sa 416,000 ektaryang lupa sa Palawan.

Umaasa ang Malakanyang na dahil sa oil exploration deal ay gaganda ang ugnayan ng Pilipinas at Isarael lalo na sa sektor ng ekonomiya.

Sinabi naman ni Cusi na ang naturang kasunduan ay bahagi ng Fifth Philippine Energy Contracting Round na inilunsad para magkaroon ng transparent at competitive na sistema.

Read more...