Maja Salvador itinanghal na Best Actress sa Asian Academy Creative Awards

Itinanghal na best actress si Maja Salvador sa Asian Academy Creative Awards para sa kaniyang pagganap bilang “Lily Cruz” sa drama series na ‘Wildflower’ ng ABS-CBN.

Ibinahagi ni Maja ang kaniyang panalo sa kaniyang Instagram Account.

Ani Maja, hindi siya makapaniwala at isang karangalan para sa kaniya ang mapasama pa lang sa naturang pagbibigay parangal.

Maliban kay Maja, nabigyan din ng pagkilala ang mga aktres mula Australia, India, Indonesia, Japan, Malaysia, Singapore at Taiwan.

Ang Gala finals para sa Asian Academy Creative Awards ay gaganapin sa Singapore sa Disyembre.

Read more...