Sinimulan ng talakayin sa House Committee on Labor and Employment ang mga panukala sa pagbibigay proteksyon sa mga empleyado ng business process outsourcing o BPO.
Tatlong panukala ang inihain sa Kamara kaugnay sa pagbibigay halaga sa kapakanan ng mga BPO employees.
Layunin ng mga inihaing panukala na tiyakin na nabibigyan ng proteksyon ng mga dayuhang kumpanya at maayos na benepisyo ang mga call center agents sa bansa.
Bukod dito, nais din matiyak ng mga panukala na maaayos ang working environment at hindi naaabuso sa trabaho ang mga Pilipino sa BPO industry.
Ang BPO industry ay pumapangalawa sa mga OFWs na may malaki ang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa pagdating sa mataas na kita ng foreign exchange.
Sa kasalukuyan, aabot sa 1.2 million ang directly employed na BPO workers habang 3.2 million naman ang indirectly employed sa BPO industry.