Puppeteer nasa likod ni Big Bird, iiwan na ang Sesame Street

AFP Photo

Matapos ang halos 50 taon magreretiro na ang puppeteer na nagbigay-buhay kay Big Bird ng Sesame Street.

Nagpaalam na ang 84 anyos na si Caroll Spinney na nagsimula bilang Big Bird noon pang 1969.

Gumanap din siya bilang Oscar the Grouch.

Mismong si Spinney naman ang nagturo sa dalawang puppeteer na papalit sa kaniya para sa dalawang iiwang role.

Si Spinney ay nagwagi na ng maraming Daytime Emmys kabilang na ang Lifetime Achievement Award.

Nanalo din sya ng Grammy Award para sa best children’s recording.

Read more...