5 araw na COC filing naging mapayapa – Comelec

Opisyal nang nagtapos ang panahon ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) at Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ng mga partylist group para sa May 13, 2019 mid-term elections.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, walang ulat ng karahasan na naitala sa panahon ng paghahain ng kandidatura.

Sa kabuuan aniya, aabot sa 152 ang bilang ng mga nagsumite ng COC para sa pagka-senador, habang 185 partylist group ang nagsumite naman ng CONA.

Magkagayunman, sasalain pa ng Comelec ang mga COC at CONA at target nito na magpalabas ng pinal na listahan ng mga kandidato sa Disyembre.

Ibig sabihin, titingnan pa muna ng Comelec kung nakatugon ba sa qualification o walang tinataglay na disqualification ang isang nagnanais na kumandidato.

Dapat ay hindi pa sila pinal na naco-convict sa isang krimen, hindi pa lumalagpas sa term limit at hindi pa napapatawan ng perpetual disqualification sa paghawak ng posisyon sa gobyerno.

Nilinaw naman ni Guanzon na sa pagtukoy ng “nuisance” o panggulong kandidato, hindi lamang pagbabatayan ng Comelec ang pinansyal na kapasidad ng kandidato.

Read more...