PUBLIC SERVICE: Bahagi ng Mandaluyong at Sta. Cruz, Laguna mawalan ng kuryente

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2018 - 07:40 AM

Mawawalan ng suplay ng kuryente ang bayan ng Sta. Cruz sa Laguna ngayong araw.

Ayon sa Meralco, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ang power interruption na makaaapekto sa barangay Palasan.

Magpapalit ang Meralco ng kanilang poste sa bahagi ng Lingap Village sa naturang Barangay.

Samantala, sa Mandaluyong City naman, alas 11:30 ng gabi mamaya hanggang alas 4:30 ng madaling araw bukas ang nakatakdang power interruption.

Maaapektuhan ang barangay Wack Wack Greenhills East.

Ito ay dahil anman sa line reconductoring work ng Meralco sa bahagi ng Princeton Street.

TAGS: meralco, power interruption, meralco, power interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.