Mga manggagawa sa Region 10 may dagdag-sweldo mula sa Nobyembre

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2018 - 06:40 AM

Epektibo sa buwan ng Nobyembre ang dagdag na P35 sa minimum wage ng mga empleyado sa Region 10.

Nangangahulugan ito na magiging P365 na ang sweldo para sa mga non-agricultural workers.

Sa agricultural workers naman sa Cagayan De Oro, Iligan at ilang bayan sa Misamis Oriental ay magiging P353 na ang minimum wage.

Habang sa mga non-agricultural workers sa Malaybalay, Valencia City, Gingoog, El Salvador, Ozamiz, Opol, Maramag, Quezon, Manolo Fortich, at Lugait ay P358 ang magiging minimum wage at P346 para sa agricultural workers.

Sa Oroquieta, Tangub, Laguindingan, Mambajao, at Balingasag ang mga non-agricultural workers ay susweldo na ng P350 habang ang mga agricultural workers ay P338.

TAGS: northern mindanao, Region 10, northern mindanao, Region 10

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.