Palawan, Mindanao at ilang bahagi ng Visayas apektado ng ITCZ

Magiging maulan ngayong araw sa Mindanao dahil sa epekto ng Intertropical Covergence Zone.

Ayon sa PAGASA, maliban sa Mindanao, apektado rin ng ITCZ ang Eastern at Western Visayas at ang buong Palawan.

Ang nasabing mga lugar ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong mga malawakang pag-ulan.

Sa Metro Manila naman, nalalabing bahaging ng Luzon at Central Visayas ay mainit na panahon ang mararanasan maliban lang sa mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Read more...