Mga kandidatong hihingi ng campaign permit mula sa NPA babantayan ng militar
Babantayang maigi ng militar ang mga kandidato para sa 2019 mid-term elections na posibleng kumuha ng tinatawag na permit to campaign (PTC) at permit to win (PTW) mula sa New People’s Army (NPA) na nasa liblib na lugar sa Davao Region.
Ayon kay Colonel Gilbert Saret, commander ng 1001st Infrantry Brigade ng Philippine Army na nakabase sa Maco, Compostela Valley, sa tuwing panahon ng halalan ay laging naroon ang NPA upang pilitin ang mga kandidato na sumunod sa kanilang self-imposed permits.
Pagbibigay-diin ni Saret, hindi pinapayagan ang pagkuha ng anumang PTC at PTW mula sa rebeldeng grupo.
Dagdag pa nito, batay sa mga kwento ng NPA surrenderees, mayroong mga pulitiko nasumusuporta sa mga rebelde.
Kaya naman, ayon kay Saret, paiigtingin pa nila ang kanilang intelligence monitoring upang malaman nila ang galawan ng NPA hinggil sa mga permit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.