Biyahe ng Cebu Pacific sa Caticlan ibabalik sa October 26
Kasabay ng soft opening ng Boracay ay inanunsyo ng Cebu Pacific na kanilang ibabalik ang mga flights patungong Caticlan sa October 26.
Ayon sa tagapagsalita ng Cebu Pacific na si Charo Lagamon, bagaman magkakaroon na sila muli ng biyahe patungo sa Caticlan ay mas mababa naman ang bilang nito kumpara noong bago magsara ang isla ng Boracay.
Aniya, ito ay bilang pagtalima sa mahigpit na carrying capacity ng isla.
Bago ipasara ang Boracay sa loob ng anim na buwan para sa rehabilitasyon, walong beses sa isang araw lumilipad ang Cebu Pacific mula Maynila hanggang Caticlan at pabalik.
Nang magsarado ang isla ay itinigil muna pansamantala ng Cebu Pacific ang kanilang biyahe papunta rito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.