2 miyembro ng Sputnik Gang napatay sa engkwentro sa Quezon City

By Justinne Punsalang October 18, 2018 - 03:03 AM

Contributed photo

Dead on the spot ang dalawang lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Kaunalaran, Quezon City.

Kapwa wala pang pagkakakilanlan ang dalawang lalaki na napag-alamang mga miyembro ng Sputnik Gang at kilabot na holdupper sa lugar.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ilang araw na silang nagsasagawa ng surveillance sa lugar matapos ang ulat tungkol sa serye ng panghoholdap.

Kaninang madaling araw, sa kanilang pagmamanman ay nakita nila ang dalawang riding in tandem na tila nag-aabang sa lugar.

Nang mapansin ng apat na kalalakihan na sakay ng dalawang motorsiklo ang mga pulis ay agad silang lumayo sa mga ito.

Tinugis ng mga otoridad ang mga riding in tandem ngunit naunang bumunot ng baril ang dalawa sa mga lalaki at pinaputukan ang pulisya na silang gumanti naman ng putok.

Bumagsak sa gilid ng kalsada ang dalawa, habang nakatakas naman ang dalawa nilang kasama.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang kalibre 38 revolver at limang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.