Presyo ng produktong petrolyo bababa sa 2019

By Justinne Punsalang October 18, 2018 - 05:01 AM

Inaasahang bababa ang halaga ng produktong petrolyo sa pagtatatapos ng taong ito, at lalo na sa pagbubukas ng 2019.

Sa inilabas na economic bulletin ng Department of Finance (DOF), batay sa datos ng S&P Global Platts, ang halaga ng kada barrel ng krudo ay nasa USD82.58.

Ngunit posibleng bumaba ito sa USD81.73 sa buwan ng Nobyembre at USD81.11 per barrel sa Disyembre.

Pagpasok naman ng taong 2019 ay inaasahang magiging USD80.72 per barrel na lamang ito.

Batay pa sa datos, pagsapit ng December 2019 ay nasa USD75.99 kada barrel na lamang ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Ngunit ayon sa DOF, mayroon pa ring posibilidad na magbago ang oil futures dahil sa mga pangyayari sa mga bansang pinagkukuhanan ng petrolyo kagaya ng Iran at Venezuela.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.