Inaasahang dagdag sa Pantawid Pasada program hindi matutuloy sa 2019
Mayroong posibilidad na hindi madaragdagan ang matatanggap na benepisyo ng mga driver at operator sa ilalim ng Pantawid Pasada program ng pamahalaan sa susunod na taon.
Ito ay kung sususpendihin ang second tranche ng ipapataw na excise tax na nakapaloob sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Paliwanag ni Budget Secretary Benjamin Diokno, ang pondong ipinamamahagi sa Pantawid Pasada program ay nanggagaling sa excise tax.
Ngunit ani Diokno, hindi pa malinaw sa ngayon kung ipapatigil ba talaga ang ipinapataw na excise tax.
Ngayong taon, sa ilalim ng Pantawid Pasada program ay ipinamamahagi ang nasa kabuuang P977 milyon sa mga driver at operators. Balak sana itong taasan sa 2019 sa P3.2 bilyon, kasunod ng P2 dagdag sa presyo ng bawat litro ng diesel at gasolina dahil sa excise tax.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.