Bagong single ng bandang A1 ipinarinig na

By Justinne Punsalang October 18, 2018 - 12:00 AM

Makalipas ang 16 na taon simula ng mag-disband ang grupong A1 ay inilabas na nila ang kanilang bagong single.

Sa isang press conference bilang paghahanda sa kanilang reunion concert dito sa Pilipinas ay live na ipinarinig ng boy band ang bago nilang kantang pinamagatang “Armour.”

Unang inilabas sa Spotify ang naturang kanta noong Biyernes.

Sa kanila namang Twitter account ay sinabi ng A1 na mahal nila ang Pilipinas.

Sa Linggo at Lunes, October 20 at 21, ay magtatanghal ang A1 sa Kia Theatre. Pagkatapos nito ay lilipad naman sila pa-Cebu para sa isa pang concert sa Martes. Huli naman silang magtatanghal sa Davao sa araw ng Huwebes.

Ang mga miyembro ng sikat na 90s boyband sina Paul Marazzi, Chris Ingebrigtsen, Ben Adams, at Mark Read.

Ilan sa kanilang sikat na mga awitin ang “Like a Rose” at “Caught in the Middle.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.