Ms4.8 na lindol tumama sa Northern Samar

Niyanig ng isang magnitude 4.8 na lindol ang bayan ng Catarman sa Northern Samar.

Naganap ito alas-2:34 ng madaling araw.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol sa 20 kilometro timog-kanluran ng Catarman.

May lalim itong 105 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Bagaman may kalakasan ang lindol ay sinabi ng PHIVOLCS na wala itong idudulot na anumang pagkasira sa mga ari-arian o aftershocks.

Wala ring naitala na intensity dulot ng lindol.

Read more...