Bayan sa Zamboanga del Norte niyanig ng M3.2 na lindol

Naramdaman ang isang magnitude 3.2 na lindol sa bayan ng Gutalac, Zamboanga del Norte.

Batay sa abiso na inilabas ng PHIVOLCS, naganap ang lindol kaninang alas-12:49 ng hatinggabi.

Naitala ang episentro sa 37 kilometro hilagang kanluran ng baybaying dagat ng Gutalac.

May lalim itong 4 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Pagtitiyak ng PHIVOLCS, walang inaasahang anumang aftershocks, maging pagkasira sa mga ari-arian ang naganap na lindol.

Read more...