CHEd aapela sa DOF na ‘wag bawasan ang pondo kapag sinuspinde ang excise tax
Hihirit ang Commission on Higher Education (CHEd) sa Department of Finance (DOF) na huwag tapyasan ang kanilang pondo sakaling ipatupad na ang suspension ng excise tax sa fuel products sa Enero ng susunod na taon.
Sa pulong balitaan sa Malacañan, sinabi ni CHEd Executive Director Atty. Cinderella Filipina Jaro na mahigpit ang pakikipag-ugnayan ng kanilang tanggapan sa DOF para hindi maapektuhan ang kanilang pondo.
Nangako naman aniya ang DOF na bibigyang prayoridad ang kanilang ahensya.
Tinatayang P40 bilyon ang mawawala sa kaban ng bayan kapag ipinatupad ang suspensyon ng excise tax sa oil products.
30% sa naturang halaga ang maibabawas sa non-infrastructure projects.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.